Elective

Alam mo yung nakakainis kasi hanggang ngayon wala pa kong natututunan sa elective class ko? As in seryoso, wala. Oo nga masaya. Masaya para sa mga estudyanteng tamad! Eh tae, hindi ako tamad! Nakakainis lang kasi ang laki ng binabayad ko sa tuition tapos yun lang?

Elective ko kasi Multimedia, under siya ng Arts and Letters. Nahati sa dalawa yung elective kasi masyadong madaming students yung napunta sa subject na yun. Yung isa Humanity, yung isa naman Multimedia. So kami, parang basura lang na kung saan saan napupunta kasi wala pa daw final venue kung, as of now. Ginagawa pa kasi yung classroom kung saan dapat talaga kami.

First meeting, sa computer lab kami ng HS. Okay naman. Walang ginawa kasi first meeting pa lang namin yun. May computers nga, hindi naman nagamit. Second meeting, sa computer lab ulit kami, but that time, comp lab ng elementary. Which is sa kabilang dimension pa ng daigdig. Sa admin. bldg. pa kasi yon, sobrang layo ng nilakbay namin! Wala naman kaming napala. Akala kasi nung teacher namin, 2010 yung version ng powerpoint ng school. Eh too bad pulube yung school namin, 2003 lang daw meron. So what we did was pinaexplore lang samin yung powerpoint 2003! Hello naman, elementary pa lang ako kabisado ko na yun! Eh kahit nga nakapikit ako alam ko na mga gagawin dun e. Hindi sa pagmamayabang ha, don’t get me wrong, at hindi rin ako galit sa teacher ko kasi alam ko namang hindi niya kasalanan na wala kaming lugar. Ang sakin lang, sana lang ginagawan ng school ng paraan diba? Sayang kasi yung oras at yung panahon na dumadaan, one hour per meeting din yun. Tapos kanina, nagulat na lang ako kung bakit nasa audigym lang sila nakapwesto, WTF?! Mukha kaming public! Walang nangyari, as usaul. Multimedia kami anong gagawin namin without computers?! Yung ibang elective nagdidiscuss samantalang kami, FREE TIME! So pinaakyat na lang kami sa library pero kaming tatlo nila KC, kumain na lang sa may HS lobby. Hinintay maguwian.

But there’s one good thing about this class. Akala niyo puro sakit sa puso lang noh? Hindi naman. May masayang part din naman kahit papano. Yung teacher namin, she’s nice. Kaya nga I’m not blaming her or anything. Medyo nakabase siya sa college life, so we don’t have quizzes or written tests. Hooray! Ang poproblemahin lang namin ay puro photography, editing, presentations, etc.

What a life.

Advertisements

About Camille Ortiz

Manila-based Multimedia Arts student
This entry was posted in Art, Photography, School, Week Blog. Bookmark the permalink.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s