I love us.

Hindi ko alam kung pano sisimulan. Hindi naman ako magaling sa mga ganito eh, yung isusulat mo kung ANO TALAGA yung nararamdaman mo. Madami kasing tao ngayon na kapag may nabasa, kung anu-ano na sasabihin at iisipin. Napakajudgmental. But I guess I don’t care, I’m writing it anyway.

Ang dami dami mong sinasabi sakin dati na ang hirap paniwalaan. Sabi ko sa sarili ko, “baka siya na nga.” pero dumadating pa din yung mga araw na narerealize ko, “baka nga hindi siya.” pero who knows? Wala namang makapagsasabi kung sino talaga yung para satin eh. pero minsan, pinipilit ko pa din sa sarili ko na sana ikaw na lang nga. Eh hindi naman pwede yun. May mga oras na kapag kailangan ko ng kausap, andyan ka palagi. Literally. Hindi ko alam kung nireremind lang sakin ni God na hindi talaga ako mag-isa, or ikaw lang talaga yun na kusang gustong kumausap sakin. We talk about almost everything under the sun, at wala na kong mas gugustuhin pa kesa sa kausap ka. Lagi ko nga sinasabi, “pano kaya kung lahat ng tao katulad mo?” Yung hindi mauubusan ng topic, laging may sense kausap, at yung mga sinasabi napapa “oo nga noh?” ako. Ang dami kong lalaking nagugustuhan, pero nag-eend up pa din na wala akong napapala.. so sa huli, sayo pa din ako bumabagsak, at masaya naman ako. Alam mo na nga yata halos lahat eh. Alam mo na mga sikreto at problema ko, na minsan kahit sa sarili ko hindi ko maamin. para kasing ang hirap tanggapin nung mga yun, pero once na nasabi ko na sayo, parang ang gaan na ng loob ko.

Minsan kinausap kita tungkol sa love. Hindi lang isang beses yun. Sobrang lungkot ko kasi nagexpect ako, sabi mo sakin “ang hilig mo kasi magexpect eh.” Nagtalo pa tayo kasi sabi ko hinding hindi na ko maniniwala sa love. Either magmadre na lang ako or magpakaplaygirl ako para malaman ng mga lalaki kung gano kasakit mga ginagawa nila sa babae. Akala ko tatawanan mo lang ako. pero sinabi mo sakin, “Ano bang nangyayari sayo? Dati lang ang pessimist mo sa mga ganyang bagay. Sa tingin mo ba yan yung solusyon dyan?” Hindi ako nakasagot ng diretso. Tama ka naman kasi eh. Feeling ko nga nagiinarte lang ako kasi ang babaw babaw naman ng dahilan ko. pero totoo naman kasi eh, wala namang kwenta kung magpapakatanga lang tayo dahil sa bwisit na pag-ibig.

Minsan kuya kita, minsan tatay kita, minsan best friend kita, minsan.. si mac ka lang na dinadaan-daanan ako. Ilang beses ko na din sinabi sa sarili ko “tama na.” pero hindi ko pa din mapigilan na hindi ka kausapin. Mahirap pala talaga magpigil. Sabi nga sakin, “ano ba nakita mo sakanya?” Hindi ako makasagot kasi hindi ko naman talaga alam kung anong meron sakanya na wala sa ibang lalaki. Ang gara. pero yun nga siguro yung dahilan. Meron siyang something na hindi ko mafigure out, na alam kong wala sa ibang lalaki. Ang labo diba.

May mga oras na nagseselos ako. May mga oras din naman na wala akong pakialam sayo. May oras na ikaw lang iniisip ko, may oras na ibang tao naman yung iniisip ko. Hindi ko talaga maintindihan eh. Ang gulo gulo gulo. Ayoko na ulit itanong sayo kung ano ba talaga tayo, kasi alam ko na naman yung isasagot mo. Baka masaktan lang ako sa marinig ko. pero alam mo, kahit ano pa man tayo, kahit minsan wala tayong pakialam sa isa’t isa, masaya pa din ako kasi nandyan ka. Ayoko nang magbago yung kung ano meron tayo ngayon. Bahala na ang Diyos kung ano yung mga susunod na mangyayari. Wag ka lang mawawala, masaya na ‘ko.

ps. Hindi to love story :)

Advertisements

About Camille Ortiz

Manila-based Multimedia Arts student
This entry was posted in Friends, Love, School, Week Blog. Bookmark the permalink.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s