All Back

There’s this guy I used to like. He was the HS escort last year, at dun ko lang siya nakilala. Naalala ko pa nga nun, sabi ko sa friends ko “uy may itsura”. Then sabi ko sa sarili ko, “he’ll be mine” sabay evil laugh, but I know na that was a half joke. Half joke kasi medyo gusto ko, hahaha chos! It was a Saturday night when I decided to ask our common friend for his number – eh sorry lang feel ko siya itext eh. And to tell you, sobrang bait niya kahit unang beses pa lang namin nag-usap. Blablabla, skip na lang natin kung pano kami nagkakilala. Basta nagising na lang ako isang araw, nalaman ko na gusto niya pala ako, tapos gusto ko din siya.

Dumating yung Bivouac, unfortunately, hindi ako nakasama kasi over-protective yung parents ko. And then nalaman ko na lang na after Bivouac, may something na sakanila. Taong manhid lang siguro and hindi makakaramdam ng sakit kagaya ng naramdaman ko nung mga oras na yun – ang mas masakit pa, best friend ko yung pinalit niya. Naging bitter ako? Medyo. Nagalit ako sakanilang dalawa? Medyo. Sa best friend ko? Hmm, oo? Kay Carlo? Sobra. :) Kaso wala naman akong magagawa eh.

And from that point, I learned to let go. Hahahaha, kainis! Ayoko magsound ng sobrang madrama. But that’s true. Hinayaan ko na lang sila, pero I talked to Carlo, nilinaw ko lahat, and I even asked for an explanation. Medyo nalimutan ko na sinabi niya, basta ang alam ko nagsorry siya and even asked for another chance. Hindi ko na siya binigyan, kasi sabi ko, binibigay lang yun sa mga taong karapat dapat bigyan.

Naalala ko pa nga, yung planner ko na Starbucks na medyo naging diary ko, nakalagay dun yung name niya, tapos may mga nakalagay na negative traits niya hahahaha sobrang bitter lang?

After nun, naging friends naman ulit kami. Til nalaman ko na lang na hindi na pala sila nag-uusap nung best friend ko. Naging okay din naman kami nung best friend ko, pero nung una syempre medyo awkward. pero naayos din naman namin yun. Sabi niya nga, bros before hoes.

BUT NOW. Hahahaha! Matatawa na lang kayo sa sasabihin ko. Narealize ko na lahat naman ng tao deserving sa another chance. There’s always a room for change, whether we like it or not. May mga point pa din sa buhay natin na babalik at babalik na taong kinaiinisan natin, hindi para mang-inis kundi para i-make up yung mess na nagawa niya. :)

Gusto ko na kalimutan lahat yun. Basta ang alam ko, ngayon, masaya kami pareho sa kung ano kami ngayon :)

Dear Carlo, kailan ka ba uuwi? Sana malapit na lang Singapore dito. Sana walking distance lang para pwede tayo magkita anytime. Hahaha! Thank you sa lahat ng effort na ginagawa mo. Alam ko di mo to mababasa, kasi di ka naman online lagi (boo!) pero siguro alam mo na ‘to? Ang swerte swerte ko lang kasi bumalik ka. Sana nga totoo yung sinasabi mo. Andito lang ako lagi para sa’yo okayyyy? :)

Advertisements

About Camille Ortiz

Manila-based Multimedia Arts student
This entry was posted in Friends, Love, Video Blog, Week Blog, Wish. Bookmark the permalink.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s