Wednesday Unplanned Day

Hi blog. Hindi na kita nauupdate, sorry. Ako na yata ang pinakabusy na estudyante, minsan din kasi tinatamad na ako iupdate to. Minsan kapag sinisipag ako, hindi ko naman alam kung ano ilalagay ko dito. Medyo boring na din kasi buhay ko. Hehe, jokezxsssz.

Yesterday was supposed to be shoot-day. Actually dapat nung Tuesday pa eh kaso masyadong madami yung test the next day. Kaya Wednesday na lang. Hindi naman ako masyado naeexcite, sa totoo nga, kabado pa ako kasi ang ‘daring’ ng role na binigay sakin. Akala ko cameraman lang na naman ako ulit, kaso hindi! Hahaha! Kung ano yung role ko, wag niyo na alamin. Hehe. Sa condo ni Brien yung venue, yung condo sa likod ng SM Center, sa may penthouse. Swimming pool. Wala naman talaga sa plano namin ang magswimming since Math ang test kinabukasan, kailangan ‘daw’ namin matapos kaagad at umuwi ng maaga. Eh natempt lahat magswimming kasi mainit, at ang lamig ng tubig, at kami lang yung tao. May dala naman kaming extra na damit pero yun dapat yung gagamitin namin sa shooting, pero tinamad yata sila magbihis so nakauniform na lang kami sa mismong shoot. Then nag-ayaan na magswimming, pero wala kaming damit pangswimming. Si Brien umuwi pa para kumuha ng damit, sabi ko dalhan din kami pero para sa boys lang yung dinala niya. Hindi na kami nakatiis nila Audrey kaya nagswimming kami ng nakauniform. Yes, palda and blouse. Hahahaha! Hindi siya ganun ka-hassle. Sa umpisa lang kasi pag nasa tubig ka umaangat yung palda mo, malas mo lang kapag wala kang shorts. Sabi ni AD, yun buoyant force daw yun. Weh. Hahaha!

Napagod ako sa swimming kasi para akong binugbog! Umuwi akong maraming pasa at sugat kasi pinapatay yata ako ni Lester. Ewan ko kung may galit ba sakin o ganun lang siya manglambing. Habang nilulunod niya ko, nagpretend ako na pinupulikat kaso ilang seconds pa lang ako nagpapanggap natawa kagad ako. Hahaha, luzr. pag-ahon ko ng tubig, ang laki ng chan ko, ilang litro din yung nainom kong tubig. =)) eh tapos nung una pa lang na nagbabad ako sa tubig, nakalimutan kong naka-contacts pa pala ako! Nagwoworry ako kasi baka pagahon ko sa tubig wala na yung contacts ko sa mata, eh gusto ko pa naman lumangoy langoy. pero ginawan ko pa rin ng paraan. Ginamit ko yung mini mirror ni AD at binabad ko sa mineral water yung contacts ko. Isa pang problema, hindi ko malalaman kung alin ang right, alin ang left. Hinayaan ko pa din, gusto ko na magswimming eh.

Siguro mga isang oras kami nasa pool. Eto namang si Lester, last 5 minutes ng last 5 minutes. Aahon na ko, itutulak pa ko sa pool. Wala naman akong magawa. Sugat sugat na yung paa ko, at ayoko nang kumontra kasi kapag lalo akong kumontra, ako din ang kawawa.

At habang pauwi, bitbit ko yung basa kong uniform kasi wala kaming plastic. Hahahaha! Buti na lang walking distance lang bahay ko.

pictures to be followed. Wala sakin ynug memory card ko. Siguro bukas :) LAST DAY NA BUKAS!! Sana Saturday na para makita ko na si friend from NZ :)

ps. Sorry if this blog post sux. Hindi ako sanay magkwento ng bonggalore dito sa blog ko. But from now on, magkukwento na ko ng mga daily happenings ko IN TAGALOG. pwede ring english but I prefer tagalog muna.

Advertisements

About Camille Ortiz

Manila-based Multimedia Arts student
This entry was posted in Friends, School, Week Blog. Bookmark the permalink.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s